Wrong Call
Na-wrong call ako kay Lomoish. Sheez. Sa dinami-dami ba naman kasi ng pedeng mapindot kong mali dun sya pa? :| Kakahiya. Hahaha =)))
Ganito kasi yung kwento nun. Tatawagan ko sana yung friend ko. Eh parehas “L” nagsisimula yung pangalan nila tapos magkatabi pa yung pangalan nila sa contacts ko. Oh tba? Nakakalito kaya. Haha :P So, ayun nga. Sabi ko “Hello! Uyy *insertmyfriend’snamehere*!” Anligalig ko pa nun ah. Tapos sabi nya “Hello?” Tapos nagulat na ko kase alam ko naman yung boses nya tsaka babae dapat yung tatawagan ko. Kaya sabi ko “Ayy! Sorry po! Na-wrong call lang. Sorry po talaga.” Tapos sorry nga ako ng sorry pag tingin ko sa cellphone ko binaba na pala. :| Nakakainis lang e noh? Salita ako ng salita tapos binaba na pala. What the? Pero infairness ang gwapo ng boses nya tapos parang anlamig na hindi mo maintindihan sa sobrang kilig. Hahaha =))) Pero ayun nga. Na-dissapoint lang ako nung binaba nya agad. Di man lang nya sinabe na “Sige ayos lang.” Basta yung mga ganun. :/ Haha :)))
Pero thankful na rin ako sa saglit na time na yun. Kase nun lang yun nangyare. Anobey. Moment na yun e. Susulitin ko na. Mag-iinarte pa ba ako? Hahahaha =))) Kaya Thank you Lord! Sinagot mo yung dasal ko kaninang umaga na sana makita ko sya at sana may mangyare. At yun nga! Nakita ko sya at may nangyari. Thank you talaga Lord! Na kahit sa ganung way at kahit na hindi ako prepared nun at anligalig ko pa nun ay may magandang nangyari sa history ng buhay ko. Hahaha =))

